Thursday, November 27, 2008

(POEM)

PLZ READ A *KULANG BA? by jhoey baldeo*

yo mahal bakit di na kita kilala
nagbago ang istilo mo ng pakikisama
bakit noon may kinang ang iyong mga mata
ngaun nagbago may bahid ng pangangamba
alam kong may nais kang sabihin ngunit takot aminin
ang yong damdamin hindi na laan sa akin
wala ka mang kibo itoy aking naramdaman
iiwan mo ako may iba ka ng natagpuan
ba't di ka nagreklamo kung hindi man sapat
kulang ba ang pag-ibig ko bakit naging huwad
sagad-sagaran naman kita kung mahalin
hindi ka nakontento bakit kulang pa rin

aanhin ang buhay kung ang puso mo di para sa akin
hindi kuntento kung di mo ko kayang mahalin
sayo binuhos lahat ng aking paglalambing
ngunit wala pa rin ano ba dapat kong gawin
sa twing makita ka akoy nagmumukang *aning (*not sure)
lahat ay binigay para ako ay pansinin
wala na talagang pagasa ang pagibig natin
parang bulalakaw na naglaho sa dilim
sa likha ng maitim na ulap ako'y nakatingin
dalangin mo ay taimtim sa puso ko nakatanim
kung tayo'y maghihiwalay sana sabihin sakin
nang ibigin ka pala ay talagang kulang pa rin

ipaglalaban ba kita wag na lang kaya
bali wala naman sayo ang aking pagtyatyaga
pero isipin mo diba nakakapanghinayang
nanghihinayang ako sa aking pinagdaanan
isipin mo naman kung pano kita nirespeto
inibig binuhos lahat ng todo-todo
bisyo babae ay aking tinigilan
pinaniwala sa sarili na ikaw lang kailangan
ganun na lang ba pwede bang paisplika
ang tanga ko talaga bat di ko kaagad napuna
na may mahal ka ng iba yun pala and dahilan
pinaikot pa ako yun din palang pupuntahan

yo nakikita mo ba ngaun saking mga mata
ang lungkot at sakit na aking nadarama
ang relasyon noon na ating iniingatan
biglang naglaho ng di alam ang dahilan
wala na yata iba pang paraan
ginawa ko na lahat para lang magampanan
ubos na ang lakas wala na akong maibigay
puso sarili na aking inalay
ayoko na suko na tama na ang paghihirap sawa
na pagod na akong umiyak
kung wala ng paraan ay di ko na ipipilit di mo
na pala ako mahal bat di agad nasilip

napakasakit parang hindi ko na makaya
wala na talaga wala ng natira
sabihin mo na lang na tayo ay wala na
para hindi nako parang asong may kadena
wag mo ng itago na ako'y iyong pinagsawaan
kahit di ipahiwatig akin ngang natuklasan
pag-ibig mo hindi man lang sa akin nilaan
umasa pa sayo na sabi mo na walang iwanan
wala akong panahon para ito ay iyakan
masyadong nasaktan hanggang dyaan na lang
ayoko ng muling daanan ang nakaraan
kaya kung pwede sana ako ay iyong lubayan

No comments:

Powered By Blogger

Followers

About Me

My photo
alaminos city, pangasinan, Philippines
im JHOEY DUMAGUING BALDEO, possesses expansive imagination... interpersonal exploitation (sometimes huh)... display supercillious impertubability, cold-blooded, nonchalant, unimpressed, inflated valuation of oneself. vicissitudinal in nature. get it?erratic... prehensile... maverick... someone who exhibits great independence in thought and in action.. yeah, im a rebel! a noncorformist... devouring leviathan and and neurotic moody human specie. aberrant! my behavior departs substancially from the norm. lone wolf. a person who avoids the company of the assistance of others. subject to sharply varying moods. accutely responsive mentally or mentally